Looking forward to the Rio Olympics 2016! -Philippines
Justine Marie Bernardo

You read it right. Nothing's left for the Philippines to have a title in the London Olympics. The last contender that took the chance is Daniel Caluag, the BMX Cycling athlete from Bulacan. But unfortunately, he was one of the three that gone out in the first game. But for me, it will never be a defeat nor failure, but a privilege. This is a privilege that will hold on for a thousand years by Philippine history. Being a part and qualified for the London 2012 is a great honour for the country. Why? Because we know that we had a chance to prove to the world that we are neither weak nor scarce. To show that the Philippines that can compete with them though they are much wealthier than ours.

11 representatives, different fields of sport, but one country. Some are Half-Filipinos, and live in other country, but they chose to stand for the Philippines. This is one of the reasons for us to be proud of. Despite of the limited funds and time that they receive, they don’t mind them. They’re focus is on the game and the winning.

But the bitter truth that these athletes must face is that, most of his countrymen don’t know them. Their “kababayan” don’t know that they will be there, competing for our country. They will just recognize if they will win, but if not, these people will never know their identity and they will be forgotten until the next competitions. This is one of the problems in our country. We only focus on the universal and big things, but those small things that could possibly be a success; we don’t even notice it and sometimes, push them away. Though chances are little, these athletes are still hoping and trying their best to win because they knew that if they’ll win, it will bring a great pride for the nation.

But now, the Philippines exited her way from the London 2012. It is not a big deal to others because they don’t know how hard it is to train and win against big countries. But for our Filipino athletes it’s an ending story because they failed. It is also a big frustration for them; however we don’t even observe that. Our Filipino Olympians are underrated.

These are one of the actions that should be exerted and should give an effort to help. By winning, you will not only get money, but a good history. You will not only receive fame, but a positive pride for your nation and for yourself. You will not only be given trophy, but also a great memory and experience that will you cherish when you die.

If ever we will have a chance to go and compete again in the 2016 Olympics in Brazil, we should familiarize ourselves to the next Olympians. It will be a great help for them because their countrymen are in their back to support and love them through winning and defeat. So Rio 2016, be ready.

 

Celebrating Christmas, it’s more fun in the Philippines
Justine Marie Bernardo

Saan ka nga ba makakakita ng mga Christmas lights at decors na dinisplay na para ibenta sa unang lingo palang ng August? At saan ka nga ba nakakakita ng agad-agad na ‘Countdown to Christmas’ pagdating ng unang araw ng Setyembre? Ha, wala nang iba kundi sa Pilipinas lang.

Sabi nga, ang Pilipinas ang bansang may pinakamahabang selebrasyon ng kapaskuhan. Pag sumapit na ang unang araw ng Setyembre o ang ‘Ber month’, kusa nang nagbibilang ang mga Pilipino hanggang sa sumapit ang pasko. Base sa aking pagkakabilang, simula setyembre uno hanggang desyembre 25, 115 pang araw ang aabutin. Pero ano naman nga eka ng ilan. Napakabilis na ng panahon ngayon. Hindi na natin namamalayan na ganoon na kabilis ang pag-ikot ng mundo. Sa sobrang bilis, nakakahilo’t nakakasuka na at magigising ka nalang na parang panaginip lang ang nangyari.

Sabi nga ng mga taga-ibang bansa, masyado daw “excited” ang Pilipinas sa pasko. Kahit walang handa, kahit ang hirap ng buhay, kahit walang plano at perang gagastusin, lagi pa rin tayong sabik at pinaghahandaan ang kapaskuhan. Kaya nga masayang mag-pasko sa Pinas eh. Kasi hindi inintindi kung gaano kakaunti ang pagkaing hinahain basta’t magkakasama at masaya.

Maraming ma-mi-miss at na-mi-miss ang mga pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansa pag pasko. Bilang anak ng isang Overseas Filipino Worker (OFW), mahirap para sa amin at sa aking ama na malayo sa isa’t-isa tuwing pasko. Tinitiis na lang namin ang lungkot dahil magkaiba ang lugar namin. Kaya minsan, tinatapat niya talaga ng mga setyembre o nobyembre ang uwi niya para sa amin siya magpasko. At natutuwa naman akong sabihin sa inyo na uuwi na siya sa Setyembre kaya naman masaya ang magiging pasko ko kasama ang aking pamilya.

Tulad nga ng sinabi ko, maraming na-mi-miss na OFW's ang magdiwang ng pasko sa Pilipinas. Isipin mo, pag sumapit na ang Ber Months, may mga nagkikislapan na sa labas na nagbebenta ng Christmas lights, may naka-display na sa mall na mga Christmas decors, may tinda nang puto bumbong at bibingka tuwing gabi at madaling araw, “malamig” na simoy ng hangin, at may mga nagkakantahan na ng mga Christmas songs. O, san ka makakakita sa mall ng ibang bansa na setyembre palang pinapalandakan na “Oy, pasko na!”

Kung saka-sakali mang makuha ko ang kapalaran ko sa ibang bansa pagdating ng tamang panahon, ipipilit kong umuwi tuwing pasko at bagong taon. Lagi kong idadahilan na isang beses lang ito sa isang taon at ang mga bagay na minsan lang mangyari ay may iba ibang kwento at karanasan.

Eh sa ano nga naman ba kung magdiriwang tayong mga Pilipino ng maagang pasko? Hindi naman nawawala ang simbolismo nito, at lalo pa nga itong tumitibay. Ang pagkakabuo ng isang masayang pamilya. Maliit man o malaki, kahit na anong estado sa buhay, basta’t nandyan silang lahat, masaya ang pasko.

Kaya’t sulitin ang bawat panahon at araw. Mabilis ang ikot ng mundo, minsan napag-iiwanan na ang isang tao. Ngunit nasa sa atin naman kung magpapaiwan tayo. Minsan lang dumaan ang kapaskuhan. Magiging maganda, masaya at makabuluhan ang pasko tulad lang din ng dati. Bakit? Kasi ang araw na iyon ay ang kapanganakan ng Panginoon. At ang lahat ay nagpupugay at nagpapasalamat dahil sa kanyang pagsilang.


 

Pilipinas: Kahapon, Ngayon, Bukas
Justine Marie Bernardo

“Ang bayan ko’y tanging ikaw, Pilipinas kong mahal. Ang puso ko at buhay man, sa iyo’y ibibigay. Tungkulin ko'y gagampanan, na lagi kang paglingkuran. Ang laya mo’y babantayan, Pilipinas kong hirang.”

What’s with me? Am I patriotic? Hah. No. I just wanted that introductory though it’s not that related.  

It’s cliché because people always make the present time the most horrible days ever while the past is the most wonderful thing that has ever happened in the world. Well then, how about flipping the situation? How about the good news for the present time and the bad news for the past time? 

Positive side - Present time

Ever wonder what’s “good” in the world today? From all of the disasters, wars, pollution, and poverty, what do you think are the opposite side of these things?

Number one, the technology. We live in the generation wherein almost everything can be instant. Food, Hygiene, Transportation, Houses, and even Artificial Insemination. All of these can be brought with money. (But of course it requires a lot of money too.) In the past years, we never had these things in just a snap. It’s a choice of working it very hard to turn out to be yours and let it come to you by luck. You will never see a person holding his Desktop, CPU, Keyboard, Mouse, and Speakers walking in the street to be in a Café Shop. But in the present time, you will only see a small and a big rectangle. It’s either a “techie” bitten apple or a cute green alien.

Number two, the way of living. Unlike in the past years, many of us are really having a worst life. There are many people (especially the women) who are unable to study and do the things they want. But now, whatever a man can do, women can also do it and vice versa. They were also instant jobs and sidelines that can make a living. 

Number three, education. As the 90’s kid, I’ve never thought of having a laptop. I just want to play outside and though I have scars and dirty, I don’t mind them. But then, when it comes to education, I only focused on books. A book that was never changed and never moved. The words and figures are very limited. I’ve never saw a giraffe in my entire life. But in the present time now, many kids will just connect into the World Wide Web, and as they search in the internet, even the little things about giraffe they could see and learn from it. 

Number four, the freedom of speech. Journalists in the previous time are powerless against the government. And journalists back then ware being killed and being forgotten by all people because of the fear that others will be also killed. Philippines is the most dangerous place for a journalist. But now, they have already that power to speak and reveal everything that they knew. It was also considered Journalism is the 4th state lining with the executive, legislative and judiciary. 

The fifth and the final, the gender fair relations. All of the women in the Philippines back then do not have chance to study and have a good and decent job. They were all in the house and serve as the “housewife”. They’ve been discriminated and are being abused like the comfort women in the old days. 

I’ve never thought that I will think this way. But then, we should always look at the positive side of everything. Even though the bad things are leading, we should think of the good ones. It will also boost our minds and think many times. 

We should not also over think. Everything will be okay in the end. If it’s not okay, it’s not the end. We should make our ways to overcome problems and we should eliminate things that can make us down.  

 

Bakit nga ba sa dinami-rami ng sakunang dumaraan sa mga Pilipino, lagi pa rin tayong nakangiti? 
Justine Marie Bernardo

Natatandaan ko nung hayskul palang ako, tinanong sa amin ng aming guro kung anu-ano ang katangian ng isang Pilipino. Pangkaraniwan at hindi pangkaraniwan. Iyan dapat ang sasabihin ko kaso, hindi na ko naabutan. Pero bakit nga ano? Ano nga ba ang pinanghuhugutan ng mga Pilipino na kahit pa anong mangyari, lubog na ang mga bahay, sunog na ang kanilang mga ari-arian, lindol, nakatira sa mga evacuation centers, o kahit sa mismong pang-araw-araw na kakulangan sa pagkain at pamumuhay, at minsa'y hindi na nakakakatyempo ng matinong trabaho, ay nakakaya pa rin ang ngumiti? Sa oras na nakakita ng kamera na galing sa isang sikat na broadcasting network, ngiti at tawa parin ang namumukod-tanging ekspresyon ng mga tao sa Pilipinas. Sa paanong paraan pa nakakatawa ang isang tao sa kabila ng wala na siyang makain o nalunod na ang kanilang mga bahay? Ay nako, ibahin mo ang Pilipino.

Sabi ng ilan, kaya sila nakakatawa kahit sa anong sitwasyon ng buhay nila, halimbawa nalang kapag nasunog ang kanilang mga gamit, ang pinakaimportante lang para sa kanila ay wala ni isang nasaktan, nawala o namatay sa kanilang pamilya. Kaya nilang mabuhay sa kalsada, o mamalimos kung saan saan basta't magkakasama silang pamilya. Kaya nilang isuko ang lahat ng kanilang ari-arian kung ito nama'y kapalit ng buhay ng isa sa kanilang mahal sa buhay. Hindi talaga tipikal ang pamilyang Pilipino. Sama-sama sa hirap at ginhawa.

Kaya naman hinahangaan tayo ng ibang bansa sa tibay ng samahan ng bawat pamilya. Isipin mo, sa isang bahay, may nanay, may tatay, may mga anak, at mga lolo at lola pa! Isama pa natin ang mga tito at tita, pati na rin ang mga pamangkin. Tinatawag itong extended family, na lahat, kahit isang lahi pa yan, ipagkakasya at ipipilit na isama sa iisang bahay. Hindi na iniisip ng pamilyang Pilipino ang siksikan, kakulangan ng pagkain, at mainit na kapaligiran kung kapalit naman nito ay magkakasama sila.

Ang mga Pilipino nga naman, hindi maikukumpara sa mga taga-ibang bansa. Hindi ba’t sa Amerika, sa oras na ang isang bata ay nag-labinwalong taong gulang na, aalis na ito sa bahay ng kanyang mga magulang. Kung hindi siya magpapatuloy ng kolehiyo, aalis siya at magtatrabaho. Siya na ang susuporta sa sarili niyang pangangailangan. Ibig sabihin, hindi narin siya responsibilidad ng kanyang magulang sa oras na umalis na siya ng bahay.

Pero sa Pilipinas, kabaligtaran ang nangyayari. Walang “Time Limit” sa bahay. Depende nalang sa kanila kung paaalisin ka nila. Kung miyembro ka ng isang marangal na pamilya, nararapat lamang na mag-aral ng kolehiyo at magtrabaho. Ganun din naman sa may kahirapan na buhay pero minsan, hanggang hayskul lang ang natatapos ng ilan. Minsan nga wala pang grade six ng elementarya ang naaabot ng mga ito dahil sa sobrang hirap ng buhay. Kaya kadalasan, nakakapag-asawa na ang anak ngunit nakatira pa rin sa bahay ng mga magulang. Hindi na rin ito makakapagtrabaho dahil walang natapos. Iyon nga lang ang mahirap sa kasalukuyang panahon, ni ultimo panggatas ng apo, sagot narin ng mga lolo at lola. 

Hindi naman ako kabilang sa extended family. Pero para sa akin, ayos lang naman iyon. Hindi ba’t may katagang “the more, the merrier.” Iyon nga lang, dapat ang lahat ng miyembro ng bahay ay may kanya-kanyang tungkulin sa pamilya. Hindi pwedeng wala. Hindi naman porket pinatuloy kayo sa isang bahay ng matagal na panahon e magiging “bwisita” nalang kayo. Minsan kailangang magkusa tayo ng loob dahil hindi naman lagi tayong papansinin at pupunahin sa ating mga ginagawa. Kailangan din ng konting hiya sa sarili. Isipin mo, silang lahat nagtatrabaho tapos ikaw tambay? Para naman yatang baligtad ang nangyari. Lahat kailangang gumalaw. Lahat kailangang magsama-samang iangat ang pamilya sa kahirapan. Iyan ang sikreto ng pamilyang Pilipino kung paano nila napapanatiling masaya ang kanilang loob. 

Kung ako naman ang tatanungin sa pagkamasayahin ng Pilipino, hindi na ito bago sa atin. Isipin man nilang baliw tayo, o ano pa man, ganun talaga e. Tawanan na lamang ang problema kaysa multuhin ka nito habang nabubuhay ka. Ika nga ng ilan, parang mga unggoy ang mga Pilipino. Kasi kahit na sa anong aspeto ng buhay, ang unggoy lagging nakatawa. Lalo na kapag nakakuha siya ng isang saging. Abot tainga na ang ngiti. Simple lang kasi ang kaligayahan ng mga Pilipino, at kadalasan, hindi nakukuha sa materyal na bahay.